Lalaki, patay nang mabagsakan ng puno

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2017 10:28 AM

LANAO DEL NORTE – Isang tindero ng tinapay ang namatay matapos mabagsakan ng isang malaking puno Biyernes ng umaga sa Barangay Kahayagan sa bayan ng Kapatagan dito.

Nakilala ang nasawi na si Robinson Barega. Pauwi na umano si Barega sakay ng motorsiklo matapos mag-deliver ng paninda nang mabagsakan siya ng puno dahil umano sa lakas ng hangin.

Ayon sa kaniyang mga kamag-anak, hindi siguro napansin ni Barega na tumagilid na ang puno.

Inabot ng halos isang oras bago naalis ang katawan ng biktima mula sa pagkakaipit sa ilalim ng puno, ayon sa awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.