PCG may alok na libreng sakay sa EDSA Busway hanggang Okt. 22

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2021 04:21 PM

Magtatapos sa Okt. 22 ang libreng sakay na alok ng Philippine Coast Guard para sa mga pasaherong sumasakay sa EDSA Busway. Larawan mula sa Philippine Coast Guad
Magtatapos sa Okt. 22 ang libreng sakay na alok ng Philippine Coast Guard para sa mga pasaherong sumasakay sa EDSA Busway. Larawan mula sa Philippine Coast Guad

MAYNILA - Nag-deploy ng mga bus ang Philippine Coast Guard (PCG) para makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga pasaherong nagtitiis pumila para makasakay sa EDSA Busway.

Ayon kay Inter-Agency Council for Traffic chief Manuel Gonzalez, inaasahan na ang pagdagsa ng mga pasaherong sumasakay sa EDSA Busway matapos ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila kamakailan.

Nag-umpisa ang serbisyong alok ng PCG nitong Martes kung saan mahigit 600 pasahero na ang nakasakay sa mga bus nito.

Ang mga bus ng PCG ay may rutang MOA-PITX-Monumento at balikan, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Magtatapos ito sa Biyernes, Oktubre 22.

Ang Coast Guard ay isang attached agency ng Department of Transportation.
 
 KAUGNAY NA BALITA:

Watch more on iWantTFC