TINGNAN: Bulatukan River sa Cotabato, umapaw dahil sa malakas na ulan

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2020 02:30 AM

MAYNILA - Nakaranas ng matinding buhos ng ulan ang Makilala, Cotabato nitong Lunes, na nagdulot ng rumaragasang flash flood sa isang mababang lugar sa naturang bayan.

Sa video na kuha ni Andriane Feb Eyong, makikitang umapaw ang Bulatukan River sa Barangay Rodero, Makilala.

 

Napinsala ng flashflood ang overflow bridge kaya hindi makadaan ang mga sasakyan.

Dala ng matinding local thunderstorm ang ulan na nagdulot ng pag-apaw ng ilog.--Ulat ni Erwin Mariño

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.