RTC judge, aide sugatan matapos tambangan sa Camarines Sur

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2020 08:27 PM | Updated as of Oct 20 2020 10:49 PM

Galing ang dalawang biktima mula sa kanilang opisina sa Regional Trial Court Branch 56 ng Libmanan sa Camarines Sur.

(UPDATE) Sugatan nang pagbabarilin ngayong Martes ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isang huwes ng Regional Trial Court at kasamahan nito sa munisipalidad ng Libmanan sa Camarines Sur. 

Pauwi na sa Naga City sina Judge Jeaneth San Joaquin at ang kanyang aide na si Rocelle Martinez nang tambangan ng nakamotorsiklong suspek sa Barangay Puro Batia sa naturang munisipalidad, bandang alas-3 ng hapon. 

Galing ang mga biktima mula sa kanilang opisina sa RTC Branch 56 ng Libmanan.

Isinugod sa Libmanan District Hospital ang dalawa.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Kinondena ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang pag-atake sa mga biktima.

"I urge all law enforcement agencies to immediately investigate the matter and ensure that the perpetrators of this crime are apprehended. An attack on our judges is an assault on the Rule of Law. This has no place in a civilized society like ours," aniya.

-- Ulat ni Karren Canon