Pagsalpok ng delivery van sa poste nagdulot ng brownout sa Isabela

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2020 10:02 PM | Updated as of Oct 20 2020 11:26 PM

Kuha ng Isabela Electric Cooperative 2

Disgrasya ang inabot ng isang delivery van ng isang courier company sa national highway sa bayan ng Gamu, Isabela nitong Martes.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver ng closed van habang binabaybay ang kurbadang bahagi ng kalsada sa Barangay Guibang pasado alas 7 ng umaga.

Sumalpok ang van sa poste ng kuryente at konkretong poste ng isang bahay.

Walang nasugatan pero nagdulot ng brownout ang aksidente.

Agad rumesponde ang mga kawani ng Isabela Electric Cooperative 2 para ayusin ang nasirang poste at maibalik sa normal ang linya ng kuryente.--Ulat ni Harris Julio

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.