Rescue truck driver patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2019 11:58 AM

Patay ang isang rescue truck driver matapos pagbabarilin sa bayan ng Manjuyod sa Negros Oriental nitong Sabado.

Nagaalmusal ang biktimang si Artilano Gomez sa isang eatery sa Barangay Candabong nang may tumawag sa kaniyang pangalan. 

Nang lumabas siya sa eatery binaril siya ng 4 na hindi pa kilalang salarin.

Kinondena naman ng 94th Infantry Battalion ng Philippine Army ang pamamaslang kay Gomez. Naniniwala sila na New People's Army ang may kagagawan ng krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.