Pamilya sa Baras, Rizal pinaulanan ng bala; 2 patay, 3 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2019 04:12 PM

MAYNILA — Dalawa ang patay habang 3 naman ang sugatan matapos silang ratratin ng 'di pa nakikilalang gunman sa Baras, Rizal noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jeszable Tolibas, 11, at Leimuel Tolibas, 20 na dead on arrival na nang dalhin sa Antipolo City Hospital.

Ang mga sugatan naman ay sina Ricky Capistrano, John Joven Tolibas, 9, at Erica Tolibas, 16.

Napasugod ang Baras police sa Barangay Pinugay matapos silang makatanggap ng tawag na may nagaganap na barilan. 

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa karumaldumal na krimen.

—Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.