Gamit sa ilang public playground may mataas na lead content: grupo

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2019 06:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — May mataas na lead content ang ilang gamit sa ilang pampublikong palaruan ng mga bata, batay sa pagsusuring ginawa ng isang environment group.

Sa isang press release, sinabi ng EcoWaste Coalition na 50 sa 55 play equipment na kanilang sinuri sa 12 public playgrounds ay lagpas sa "safe level" ng lead.

"The paint will deteriorate with repeated use and exposure to sun and rain. This will cause the paint to peel and get into the dust and soil, which can be ingested by children through common hand-to-mouth behavior," paliwanag ni Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng grupo.

Ayon sa toxicologist na si Bessie Antonio, bagama't hindi agad nararamdaman ang epekto ng lead poisoning, maaari itong magresulta sa mga sakit gaya ng cancer at mental impairment kalaunan.

"May effect also sa kidneys, hypertension in the future, and then kasama yung lead as classified as possible carcinogen," ani Antonio.

Nanawagan si Dizon sa mga magulang na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan para mapalitan ang mga kagamitang pinangangambahang may mataas na lebel ng lead.

"Sa mga magulang, makakatulong kung makukumbinse natin ang local government dahil sila naman 'yung nangangasiwa sa mga palaruan," ani Dizon.

-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.