4 suspek sa Mandaue mall robbery patay, 5 huli sa engkuwentro

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2019 03:36 PM | Updated as of Oct 20 2019 06:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang apat sa 15 suspek sa pagnakaw sa jewelry store sa loob ng Mandaue City mall matapos makipag-engkuwentro umano sa pulisya sa Bogo City, Northern Cebu nitong Linggo. 

Ayon sa Cebu Provincial Police Office (CPPO), unang naaresto ang siyam na suspek sa Pulambato Port in Bogo, City. 

Pero habang nililipat ang mga suspek, inagawan umano nila ng armas ang pulisya, dahilan para magpaputok din ng baril. 

Agad na isinugod ang mga pulis sa pinakamalapit na ospital pero agad silang pumanaw. 

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at iba pang parte ng katawan ang mga namatay. 

Tinutukoy pa ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek na idinala sa funeral parlor sa Bogo City. 

Nasa kustodiya naman ng Bogo City police ang lima sa mga suspek, na nakatakdang kasuhan sa Mandaue City. 

Sabado ng gabi nang looban ng mga armadong lalaki ang J Centre Mall sa Mandaue City at salakayin ang ilang tindahan ng alahas at pagbabasagin ang mga lalagyan ng alahas gamit ang martilyo.


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.