2 bata patay, 2 sugatan sa sunog sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2019 08:53 AM | Updated as of Oct 20 2019 06:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Dalawang batang babae ang namatay at 2 ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa Caloocan City nitong Linggo ng umaga. Pawang magkakapatid ang 4 na bata.

Natagpuang sunog ang katawan ni alyas Mikmik sa likod ng kanilang bahay habang idineklarang dead on arrival naman ang 8-anyos nitong kapatid.

Patuloy na ginagamot sa ospital ang 2 pang bata na nagtamo ng sugat.

Nasa ospital ang mga tauhan ng City Social Welfare Department (CSWD) para alalayan sa pagpapagamot ng mga biktima. Sagot na din ng CSWD ang pagpapalibing sa 2 bata. 

Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Caloocan sa pinagmulan ng sunog. Ayon sa mga kapitbahay, matagal nang walang kuryente ang bahay ng mga biktima at tanging kandila lamang ang ginagamit.

-- Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.