12 sugatan nang mawalan ng preno ang bus sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2019 06:56 PM

Karamihan umano sa sakay ng bus ay mga estudyante. Photo courtesy: Bangui police

BANGUI, Ilocos Norte – Nasugatan ang 12 tao matapos mawalan ng preno ang kanilang sinasakyang bus sa bayan na ito noong Biyernes.

Ayon sa pulisya, bumabaybay ang pampasaherong bus sa kurbang bahagi ng national highway sa Barangay Baruyen nang mawalan ito ng preno.

Para hindi mahulog sa bangin ang bus, napilitan ang drayber na ibangga ito sa mataas na tambak na lupa.

Karamihan sa nakasakay ay mga estyudante na pauwi na sa kanilang bahay.

Ang mga ibang biktima ay nakalabas na sa ospital habang may 3 pang inooserbahan.

-- Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.