Umano’y high-value target ng pulisya sa Puerto Princesa, arestado

Arlie Cabrestante, ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2018 10:49 PM

PUERTO PRINCESA CITY - Isang lalaking kabilang umano sa listahan ng mga high-value target ng pulisya ang timbog sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod na ito Biyernes ng gabi.

Isang empleyado ng pamahalaan ang 48 taong gulang na suspek. Nakuha mula sa kaniya ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at P2,000 buy-bust money.

Nang kapkapan, nakuha pa ang isa pang sachet ng hinihinalang shabu mula sa kaniya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.