Trailer truck sumalpok sa 7 sasakyan sa Zamboanga del Sur; 3 patay

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2018 06:17 PM

Tatlo ang patay matapos sumalpok ang isang trailer truck sa 7 kasalubong na mga sasakyan sa bayan ng Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur nitong Sabado.

Agad namatay ang isang truck driver at dalawang pahinante habang apat ang sugatan. Kritikal ang lagay ng isa pang truck driver.

Sugatan din ang driver ng trailer truck at kasama nitong dalawang pahinante.

Nawalan ng preno ang trailer truck at aksidenteng nabangga ang mga kasalubong na mga sasakyan, ayon kay Senior Insp. Ryan Wakat, officer-in-charge ng Ramon Magsaysay Police.

“Pababa ‘yong daan kaya’t nawalan na ng kontrol ‘yong driver ng mawalan ito ng preno,” aniya.

Galing ng Pagadian City ang trailer truck na may kargang mga asukal at papunta sana ng Ozamiz City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.