MAYNILA - Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang munisipalidad ng Paluan sa Occidental Mindoro, Sabado ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol alas-6:52 ng umaga na may epicenter na 39 kilometro timog-kanluran ng Paluan.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 26 kilometro.
Naramdaman ang Intensity 1 sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.
Wala namang inaasahang aftershock at pinsala ang naturang lindol.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.