Magbabarkada timbog sa droga sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2018 08:52 PM

Watch more in iWantTFC

Arestado ang anim na magkakabarkada nang makumpiska sa kanila ang P100,000 halaga ng cocaine at imported marijuana o kush sa Bacoor City, Cavite.

Nahuli ang mga suspek sa isang buy-bust operation matapos nila kuhanin ang pera mula sa isang poseur buyer na bumili ng P1,500 halaga ng kush.

Inamin ng isa sa mga suspek na ipinapalit niya ang kush para makagamit ng cocaine.

Kumpiskado rin sa kanila ang higit limang gramong cocaine na nagkakahalaga ng P30,000 at higit 10 gramo ng kush na higit P70,000 ang presyo.

Graduating pa sa pribadong kolehiyo ang apat sa mga suspek.

Ayon kay Cavite police director Senior Superintendent William Segun, ibinebenta raw ng mga suspek ang droga sa mga bar sa mga karatig-siyudad.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Tinutukoy na rin ng mga awtoridad kung saan nanggagaling ang mga droga.

--Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.