Drayber ng SUV na sumalpok sa elevator area ng ospital, ano ang pananagutan?

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2018 04:23 PM | Updated as of Dec 16 2019 12:56 PM

Watch more in iWantTFC

Matatandaan na nitong Miyerkoles, sumalpok ang isang sasakyan sa elevator area ng parking lot ng isang ospital sa Taguig.

Bagama't wala namang nasaktan sa insidente, maaari bang may pananagutan pa rin ang drayber nito? 

Ayon sa isang abogado, dapat munang malaman ang estado ng drayber nang mangyari ang insidente. 

"Kung mapatunayan na tutulog-tulugan ka, o kaya eh nakainom ka kaya nasagasaan mo ang isang lugar, ang tawag dito reckless imprudence resulting in damage to property... So ang liability mo diyan puwede kang makasuhan ng criminal case at civil liability," ani Atty. Claire Castro sa "Usapang de Campanilla" nitong Biyernes. 

Pero kung napatunayang nagkaaberya lamang ang sasakyan, civil liability lang ang maaaring ipataw sa drayber at kakailanganin lang niya na magbayad sa pinsalang dinulot ng aksidente. 

Pero sa paliwanag ng drayber, nasobrahan umano ang kaniyang atras nang subukan niyang i-adjust ang sasakyan sa tire-stopper ng parking. 

Inako na nito ang pagkakamali at pag-uusapan na lang umano nila at ng kampo ng ospital kung paano mababayaran ang pinsala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.