Bahay natupok sa Maynila; walang naitalang nasaktan

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2018 05:58 PM

Inabot ng 20 minuto bago naapula ang sunog sa isang bahay sa Paco, Maynila, nitong Sabado.

Bandang alas-2:25 ng hapon nag-umpisa ang sunog na umabot sa first alarm bago naapula bandang alas-2:46 ng hapon, ayon kay Manila Police District Station 5 deputy commander Elmer Oceo.

Pag-aari ng isang Salvador Rubio ang bahay na nasunog. Patuloy pa ring inaalam ang pinagmulan ng apoy.

Walang nasaktan sa sunog, ayon kay barangay chairman Tuts Tutica.

Nitong Biyernes, tatlo ang sugatan habang nasa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa Tondo, Maynila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.