Nagsimula nang dumating ang unang batch ng mga airconditioning unit ng MRT-3 nitong Sabado.
Dumating na ang 21 sa 42 air-conditioning units (ACU), at darating naman sa Linggo ang natitirang 21 pa.
Ayon sa Department of Transportation, inaasahang sa susunod na linggo ay mailalagay na ang mga bagong ACU sa mga bagon para maging mas malamig at kumportable ang mga pasahero.
Sa kabuuan, bumili ang ahensiya ng 78 ACU na nagkakahalaga ng P116.5 milyon bilang bahagi ng pagsasaayos ng train system.
Ang susunod na batch ay inaasahang darating bago matapos ang taon.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.