8 timbog sa anti-drug ops sa QC, Makati

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2018 05:35 AM

MAYNILA - Arestado ang 8 katao sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Kamaynilaan.

Sa Makati City, nagpapatrolya ang mga pulis sa Amarillo St. corner Southsea St. nang makita ang 2 lalaki na kahina-hinala ang ginagawa.

Nilapitan ng mga puils ang mga suspek pero bigla silang tumakbo papalayo. Hinabol ng mga pulis ang mga suspek at nang mahuli ay nakuhanan ng 3 sachet ng hinihinalang shabu. 

Samantala, nahuli ng Kamuning Police Station ang 4 na lalaki sa buy-bust operation sa Quezon City.

Naabutan pa ng mga pulis sa isang drug session ang mga suspek. Nasamsam sa kanila ang 5 sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, at isang paltik.

Sa Quezon City pa rin, timbog din ang 2 lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Silangan, Cubao.

Narekober sa kanila ang 22 sachet ng umano'y shabu at digital weighing scale.

Mahaharap ang mga hinuli sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat nina Jekki Pascual at Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.