12 sasakyan nadamay sa aksidente sa Albay; 6 patay

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2018 09:47 PM | Updated as of Sep 16 2019 03:52 PM

Watch more in iWantTFC

DARAGA, Albay—Umakyat na sa anim ang namatay sa aksidente sa bayang ito Biyernes.

Base sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang isang dump truck na may kargang mga bato.

Nasa 11 iba pang sasakyan ang nadamay sa aksidente.

Umakyat na sa anim ang namatay sa aksidente, kasama na ang drayber ng dump truck.

Tumanggi muna ang pulisya na pangalanan ang nasabing drayber. Walo ang sugatan sa insidente pero isa na lang ang nananatili sa ospital.

Kabilang sa mga namatay ang mag-ina ni Marvin Altavano at ang anak ni Sonia Nomo na si John Patrick.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. Inaalam na rin kung sino ang may-ari ng dump truck na ayon sa kanila ay posible ring makasuhan.

Hiling na lamang ng pamilya ng mga namatay na matulungan sila sa gastusin sa pagpapalibing.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.