10 bahay natupok sa Cebu; nakasaksak na TV, pinagmulan ng sunog

Aiza Layague, ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2018 11:01 PM

Isang TV umano ang pinagmulan ng apoy na sumiklab sa Talisay City, Cebu nitong Sabado. ABS-CBN News

TALISAY CITY, Cebu—Natupok ang 10 bahay sa sumiklab na sunog sa Barangay Lawaan 1 sa lungsod na ito Sabado ng gabi.

Nagsimula ang sunog bandang alas-6 ng gabi. Umabot ito sa ikatlong alarma at idineklarang kontrolado matapos ang 50 minuto.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Lacida, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Ayon sa may-ari ng bahay na si Marichu Lacida, nakasaksak na TV ang pinagmulan ng sunog. Bigla umano itong nag-spark nang isaksak sa outlet.

Sinubukan umano nilang patayin ang apoy ngunit mabilis itong kumalat.

Walang naitalang nasugatan sa sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.