PatrolPH

Batanes nagtala ng ika-5 kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2021 11:39 PM

Naitala ng Batanes ang ika-limang kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19, ayon sa mga awtoridad ng probinsiya nitong Martes.

Iniulat ng provincial government na isang 65-anyos na lalaki sa bayan ng Basco ang nasawi dahil sa naturang sakit nitong Lunes.

 

Kasama siya sa mga inilipat sa Cagayan Valley Medical Center para gamutin noong Oktubre 3. 

Matatandaan na ilang mga COVID-19 patient mula Batanes General Hospital, na pawang nasa severe to critical condition, ang inilipat sa CVMC para higit na matugunan ang kanilang medical treatment.

Nasa 225 ang may kasalukuyang COVID-19 infection sa Batanes. Pinakamarami pa rin ang aktibong kaso sa bayan ng Basco na umaabot ng 196. 

Wala naman ng aktibong kaso sa bayan ng Itbayat simula noong Oktubre 11. 

Nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine hanggang katapusan ng Oktubre ang Batanes.

— Ulat ni Harris Julio

KAUGNAY NA ULAT
 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.