PatrolPH

Magkaangkas sa motorsiklo sugatan sa banggaan ng trailer truck sa QC

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2021 06:30 AM | Updated as of Oct 19 2021 07:01 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Humantong sa pag-amputate ng binti ng motorcycle rider ang banggaan ng kanyang sinasakyan sa trailer truck sa Quirino Highway sa Barangay Talipapa, Quezon City Linggo ng gabi.

Sa ulat ng Traffic Sector 6 ng Quezon City Police, nagsalpukan ang harapan ng motorsiklo at likuran ng trailer truck bandang alas-9 ng gabi.

Kapwa sugatan ang 39-anyos na lalaking rider at ang 38-anyos na angkas niyang babae.

Ayon sa mga barangay tanod, nagulungan pa ang rider kaya malubhang nasugatan sa binti.

Nabalian naman sa kaliwang braso ang angkas.

Isinugod ang lalaki sa East Avenue Medical Center kung saan siya sumailalim sa amputation.

Dinala naman sa traffic sector ang 46-anyos na driver ng truck.

Iniimbestigahan pa ng pulis ang insidente.

Ayon sa tauhan ng traffic sector, nagkausap na ang 2 kampo ukol sa pagsagot sa pinsala. — May ulat ni Wena Cos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.