PatrolPH

Mga namimili ng bulaklak sa Dangwa matumal pa rin

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2020 03:52 PM | Updated as of Oct 20 2020 12:23 AM

Mga namimili ng bulaklak sa Dangwa matumal pa rin 1
Tindahan ng bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Maynila. ABS-CBN News

Kahit may mga bumibisita na sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bago pa man ang Undas, matumal pa rin ang bentahan ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Maynila.

Sa panayam ng ABS-CBN News ngayong Lunes sa mga nagtitinda, sinabi ng mga ito na ibang-iba ang situwasyon ngayon sa Dangwa kumpara noong mga nakaraang taon.

Watch more on iWantTFC

Karaniwa'y dagsa na umano ang mga mamimili sa ganitong panahon. Pero ngayon, kaunti lang ang tao, maging ang ibinabagsak na supply ng mga bulaklak.

Narito naman ang kasalukuyang presyo ng mga bulaklak:

  • Roses - P200
  • Carnation - P180
  • Radus - P150
  • Orchids - P550

Stable ang presyo ng mga bulaklak dahil hindi naman inaasahang magkakaubusan ng supply ngayong may pandemya.

Ipinag-utos ng gobyerno ang pagsasara ng mga sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 para maiwasan ang dagsa ng mga tao sa All Souls' Day sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19.

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.