SK chair, 3 umano'y kasabwat arestado sa buy-bust sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2019 04:34 PM

Aabot sa P100,000 halaga ng umano'y shabu at gamit sa droga ang nasamsam sa mga suspek. Retrato mula sa Kabankalan police

KABANKALAN, Negros Occidental — Timbog sa bayan na ito Huwebes ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman at 3 pa niyang kasabwat dahil umano sa pagbebenta ng droga.

Kinilala ang SK chair na si Rey Vicente, 20, habang ang iba pang mga suspek ay sina Toni Rose Ilagan, Daryl Alanza, at Dunn Vicente.

Aabot sa P100,000 halaga ng umano'y shabu at drug paraphernalia ang nasamsam sa mga suspek.

Ayon sa Kabankalan police, ang 4 na suspek ay nagpositibo sa drug test.

Sinampahan na ang mga ito ng mga kasong possession, use, at selling of illegal drugs sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

—Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.