P300K halaga ng shabu nasamsam sa buy-bust sa Davao

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2019 05:07 PM

Giit ng suspek, iniwan lang sa kaniya ang drogang nakumpiska ng awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Davao City. Claire Cornelio, ABS-CBN News


DAVAO CITY - Arestado ang isa umanong drug pusher matapos makumpiska sa kaniya ang tinatayang P300,000 halaga ng shabu sa Ecowest Drive, Barangay 76-A Bucana dito sa siyudad, Biyernes ng gabi.

Bukod sa 15 sachet ng hinihinalang shabu, nakuha rin mula sa suspek ang isang water pipe.

Itinanggi ng suspek na sa kaniya ang droga.

Ayon kay Police Maj. Michael Uyanguren, hepe ng Sta. Ana Police, nalaman din nila na bukod sa cash ay tumatanggap din ng resibo ng sangla ang suspek kapalit ng shabu.

“Mas doble siguro 'yung kita niya kasi madagdagan kita niya sa alahas na makukuha niya," sabi Uyanguren.

Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.