MAYNILA — Ibinahagi kamakailan ng Kapamilya news anchor na si Bernadette Sembrano na nakakita sila ng ipis sa milk tea drink ng kaniyang asawa.
Ayon sa abogadong si Noel Del Prado, maaaring managot sa Presidential Decree No. 856 ang mga establisimyentong magpapabaya sa kalinisan ng kanilang mga pasilidad.
"Kasi hindi lang 'yung paggawa ng pagkain, lahat ng aspeto ng pangangasiwa sa mga kainan. Mula sa taong humahawak hanggang sa pagtatapon o pag-iingat sa basura hanggang doon sa pagtatanggal o pest control o vermin control [may mananagot]," ani Del Prado sa programang "Usapang de Campanilla."
Ang lokal na pamahalaan aniya ang nagbabantay sa kalinisan ng mga pasilidad ng mga kainan.
Anim na buwang pagkakakulong at hindi hihigit sa P1,000 multa ang ipapataw sa mga establisimyentong mapapatunayang nagpabaya sa kalinisan ng kanilang lugar.
Kakailanganin ding magbayad ng danyos ang restoran sakaling masuka, o magkaroon ng sakit ang nagreklamo bunsod ng pagkain ng insekto.
"Iyan 'yung quasi delict. 'Yung danyos na nagbunga sa kapabayaan o nagkasakit ka o malubhang karamdaman 'yung itsura mo naapektuhan, lahat-lahat ng gastos puwede mong singilin," ani Del Prado.
Nakipag-areglo na rin ang kompanya ng milk tea na inorderan ni Sembrano matapos ang insidente.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Usapang de Campanilla, DZMM, Batas Kaalaman, laws, milk tea, cockroach, Bernadette Sembrano, ipis, insect, Presidential Decree 856