Gusali sa isang subdivision sa Quezon City, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2019 09:54 PM

MANILA—Nasunog ang isang gusali sa isang subdivision sa Tandang Sora sa Quezon City nitong Sabado.

Nagsimula ang pagtupok ng Chateau Normand Building sa Carmel 3 Subdivision alas-6:49 ng gabi.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago ito naapula alas 7:29 ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag ng gusali na pag-aari ng isang Norma Commandante.

Wala umanong tao sa gusali nang magsimula ang sunog.

Inaalam pa ang sanhi at halaga ng mga ari-ariang tinupok.

- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.