Batang ayaw sumunod sa gawaing-bahay dapat bang parusahan?

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2019 03:45 PM | Updated as of Oct 19 2019 03:49 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Parte na ng pagpapalaki ng magulang sa anak ang turuan o utusan ito na gumawa ng gawaing-bahay.

Pero kapag hindi sumusunod ang anak, may pagkakataong nauuwi ito sa sagutan at pagpaparusa. 

Babala ng parenting author na si Joanne Tan, hindi dapat nagiging marahas ang mga magulang kapag hindi sumunod sa utos ang anak. 

Ayon kay Tan, may epekto ang pagmamalupit sa kanilang anak kalaunan. 

"Noon, I would spank them, na parang 'puwet, higa' kasi 'yun ang natutunan ko from my parents... To the point that he would answer me back, he would shout back so laging may tantrums," pagbabahagi ni Tan sa programang "Sakto" ng DZMM. 

Payo ni Tan, may mga pamamaraan para hikayatin ang anak na sumunod sa utos.

Una, maaaring magpahiwatig ang magulang na kailangan nito ng tulong. 

"Yung na-realize ko na kailangan maging vulnerable na hindi ko kasi kaya ito alone, at saka wala tayong household help or at the moment sobrang daming kailangan gawin," ani Tan.

Kapag hindi sumunod ang anak, dapat ay alamin ang ugat ng pagiging pasaway nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.