3 sakay ng motorsiklo patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2019 10:46 AM | Updated as of Oct 19 2019 11:13 AM

Pinoproseso ng awtoridad ang lugar kung saan pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang salarin ang tatlong biktima na magkakaangkas sa motorsiklo sa Bayawan City, Negros Oriental. Larawan mula sa Bayawan Police

Patay ang tatlong magkakaangkas sa isang motorsiklo matapos silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin sa Barangay Banga, Bayawan City, Negros Oriental, Huwebes ng gabi.

Pauwi na sina Heide Rio, 60, Richard Billalos, 29, at isang menor de edad nang pagbabarilin sa likod ng kasunod na motorsiklo na may sakay na tatlo ding tao.

Nang tumumba na ang motorsiklo ng mga biktima, bumaba pa ang dalawa sa mga salarin at muling pinaputukan ang mga ito bago tumakas.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.