2 apartment sa QC nasunog

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2019 06:59 AM

MAYNILA—Nasunog ang 2 magkatabing apartment sa Barangay Pagibig sa Nayon, Quezon City Sabado ng madaling-araw.

Nagsimula ang apoy pasado alas-3 ng madaling-araw at umabot sa unang alarma ang insidente, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Wala namang naiulat na nasugatan dahil nakaalis kaagad ang mga nakatira sa apartment.

Naapula ang sunog bago mag-alas-4 ng madaling-araw. Inaalam pa ng mga bombero kung ano ang naging sanhi ng sunog.—Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.