'Rollback sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, posible'

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2018 06:22 PM

Watch more in iWantTFC

Malaki ang tsansang magkaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa isang opisyal ng Department of Energy (DOE).

Sa panayam ng DZMM kay DOE undersecretary Donato Marcos nitong Biyernes, sinabi niya na sa takbo ng trading sa merkado ay posibleng magkaroon muli ng bawas-presyo sa langis sa paparating na linggo. 

"Ito po ay malaking posibilidad... Ngayon po sa kasalukuyan nagkakaroon ng bawas sa ating usual estimate... Medyo nakikita natin ang malaking posibilidad ng pagbawas muli," ani Marcos. 

Narito ang ibinagsak ng presyo ng imported na petrolyo sa unang apat na araw ng trading: 

  • Gasolina → P1.84 kada litro
  • Diesel → P0.83 kada litro 

Maaari pang mabawasan o lumobo ang bawas depende sa takbo ng trading sa Biyernes. 

Kung matutuloy, ito na ang ikalawang sunud na linggo na magkakaroon ng rollback.

—May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.