Pinoy, Korean timbog sa droga sa Cebu

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2018 04:40 PM | Updated as of Oct 19 2018 05:02 PM

Arestado ang isang Korean national at kasintahan nitong Pilipino sa isang buy-bust operation sa Lapu-Lapu City, Cebu nitong Huwebes ng gabi.

Target ng operasyon ang Pilipino na nahulihan ng 2 medium na pakete ng hinihinalang shabu.

Timbog din ang kasintahang Korean na sinasabing gumagamit ng ilegal na droga.

Ayon kay Chief Insp. Jaime Tolentino, deputy chief ng City Intelligence Branch, matagal na nilang minamanmanan ang subject.

Makikipagtulungan ang pulisya sa Korean Embassy ukol sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.