Palengke sa Masbate, natupok ng apoy

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2018 11:02 AM

MASBATE CITY - Nasunog ang ilang bahagi ng Masbate City Public Market Biyernes ng madaling araw.

Nagsimula ang sunog sa bahagi ng palengke kung saan itinitinda ang isda, karne at ilang ukay-ukay, sabi ni Senior Fire Officer 2 Vitorio Laurio.

Mabilis na kumalat ang apoy sa Building 2 at 3 dahil gawa sa maninipis na materyales ang palengke.

Inaalam pa ng mga bombero kung ano ang naging sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga nasirang ari-arian dahil sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.