35 katao, dinampot sa Maynila dahil sa pagtatapon ng basura

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2018 04:38 AM

MAYNILA - Dinampot ng mga pulis Huwebes ng gabi ang 35 katao sa Sta. Cruz, Maynila matapos mahuling magtapon ng basura sa pampublikong lugar.

Ayon kay Chief Insp. Richard Villanueva ng Manila Police District (MPD) Station 3, nagsasagawa sila ng simultaneous anti-criminality campaign nang maaktuhan nilang may nagtatapon ng basura.

Ito ay paglabag sa ordinansa ng lungsod na may multang P200, dagdag ni Villanueva.

Depensa ng ilan, hindi nila alam na bawal ang magtapon ng basura sa kalsada. Mabagal na pagkuha ng basura sa lugar ang dahilan naman ng iba. - ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.