2 umano'y gun-for-hire, patay sa engkuwentro sa Cebu

Aiza Layague, ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2018 09:59 PM | Updated as of Oct 19 2018 10:00 PM

Patay ang dalawang itinuturong miyembro ng gun-for-hire group matapos umanong manlaban sa mga awtoridad sa isang checkpoint sa bayan ng Dalaguete, Cebu nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Rafael Ereno Bella at isang lalaking kinilala lang sa pangalan na Berting.

Ayon sa pulisya, may natanggap silang tawag na nakita umano sa Sitio Cambanog, Barangay Balud sa Dalaguete ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo kaya agad nagsagawa ng checkpoint ang mga awtoridad.

Ayon kay SPO1 Rodrigo Teo, itinuturo ang 2 suspek sa mga kaso ng pamamaril sa Dalagauete at Alegria kung saan napatay ang isang barangay kagawad.

Nakuha sa crime scene ang kalibre .45 na baril at isang 357 revolver.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.