Patay ang umano'y miyembro ng Espinosa Drug Group at live-in partner nito sa Albuera, Leyte nitong Huwebes.
Kinilala ang mga biktima na sina Jesus Tulin at Sunshine Paton-og.
Ayon kay Senior Insp. Salvador Apacible, hepe ng Albuera Police, nasa isang tinutuluyang bahay ang dalawang biktima nang pasukin ito ng mga armadong naka-bonnet na mga lalaki at pinagbabaril.
Napag-alaman na nagsisilbing caretaker si Tulin sa nasabing bahay na pagmamay-ari ng isang contractor sa Ormoc.
Ang bahay ay malapit lamang sa hotel na pagmamay-ari ng mga Espinosa.
Si Tulin ay hitman din umano ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.
Dati nang naharap sa kasong murder si Tulin ngunit na-dismiss ito dahil sa pag-atras ng ilang testigo.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.