16 timbog sa magkakahiwalay na drug ops sa Taguig, Makati

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2018 08:44 PM | Updated as of Feb 23 2020 12:12 PM

Watch more in iWantTFC

Labing anim ang arestado sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa Taguig at Makati. 

Naabutan ang pito sa mga suspek na nagre-repack pa ng shabu sa Barangay Maharlika sa Taguig. Itinuro sila ng kanilang lider na si Nashruddin Matling na naunang nahuli sa isang buy-bust operation. 

Nakumpiska sa mga suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. 

Nagpositibo rin sa hiwalay na operasyon sa Barangay Rizal sa Makati ang walo pang drug suspects. 

Ikinasa ang operasyon nang may magsumbong sa text hotline ng National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa isa sa mga suspek. 

"Nakita natin na naging epektibo ang ating SMS hotline, kung saan ito 'yung i-send mo sa team NCRPO. At tayo ay nagpapasalamat sa ating mga kababayan dahil tumatangkilik sila... na nagreresulta sa mga positive operation," ani NCRPO chief Guillermo Eleazar.

Kinasuhan na ang mga suspek dahil sa paglabag sa RA No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

—Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.