Dela Rosa, binisita ang sugatang pulis sa Cebu

Junrey Nadela, ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2017 02:06 AM

CEBU - Binisita ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald dela Rosa ang isang sugatang pulis sa Cebu Miyerkoles ng umaga.

Ginawaran ni Dela Rosa ng Medalyang Sugatang Magiting si PO3 David Naraja, Jr.

Sugatan si Naraja nang matamaan siya ng bala sa kasagsagan ng manhunt operation kay Jesie Largo noong Lunes.

Si Largo ang suspek sa pagpatay kay John Ronli Calizar noong Agosto.

Ayon sa mga doktor, muntik nang mamatay si Naranja dahil isang pulgada na lamang ang pagitan ng kanyang sugat sa kanyang utak.

Ayon naman kay Dela Rosa, isang ehemplo ang ginawa ng pulis.

Dagdag pa niya, maaaring sampahan ng kaso ang unang ospital kung saan unang dinala si Naranja dahil sa pagtanggi nitong tanggapin ang pulis dahil sa isyu sa downpayment.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.