Dalaga, ginahasa umano ng 3 lalaki sa GenSan

Chai Tabunaway, ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2017 05:47 PM

GENERAL SANTOS CITY - Pinaghahanap ngayon ng mga pulis ang 3 lalaki na itinurong suspek sa panggagahasa umano sa isang 17 taong gulang na dalaga sa Barangay Tambler, General Santos City.

Ayon sa pulisya, batay sa isinalaysay sa kanila ng dalaga, 8:00 ng gabi noong Martes nang pumunta ito sa kanilang tindahan para kunin ang kanyang cellphone sa kanyang kapatid.

Nang pauwi na ito, may sumusunod umano sa kanya na dilaw na tricycle na may body number na 378 sakay ang tatlong lalaki.

Isinakay umano siya sa tricycle at dinala sa bakanteng lote sa Barangay Tambler at doon na siya hinalay.

Sa ngayon, isinailalim na sa medical assessment ang dalaga para makumpirma kung ginahasa ba talaga ito.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang tricycle kung saan sakay ang tatlong lalaki, para imbestigahan kung sila ba ay may kinalaman sa krimen o wala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.