PANOORIN: Python sumuot sa kisame sa Mati, Davao Oriental

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2021 06:48 AM

Video courtesy of Mati City LGU

Pinagtulungang hilahin ng mga residente ang malaking ahas na nakita sa kisame sa isang bahay sa Barangay Central, Mati City, Davao Oriental Linggo ng madaling araw.

Nagising ang mga tao sa bahay ng isang Baby Camilo matapos mapansin ang ahas na may habang 7 hanggang 8 talampakan.

Pagmamay-ari umano ng isang Toto Rosal ang alagang python na nakawala sa hawla nito at pumunta sa attic ng bahay.

Makalipas ang halos dalawang oras ay ligtas na narekober ang ahas.

Dadalhin na lamang ng may-ari ang ahas sa bukid nila para hindi na maulit ang insidente.