PatrolPH

Oriental Mindoro nakakuha ng oxygen tanks pero 'kulang pa rin'

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2021 03:15 PM

Dumating na sa Oriental Mindoro ang supply ng oxygen tank mula Department of Health. Retrato mula sa Oriental Mindoro Public Information Office
Dumating na sa Oriental Mindoro ang supply ng oxygen tank mula Department of Health. Retrato mula sa Oriental Mindoro Public Information Office

Dumating na sa Oriental Mindoro ang 5 truck ng mga medical oxygen tank mula sa Department of Health (DOH), sabi ng opisyal ng isang provincial hospital.

Ito'y sa gitna ng kakulangan ng supply ng oxygen tank sa mga ospital sa probinsiya, na ngayo'y nakararanas ng pagsipa ng mga kaso ng COVID-19.

Nasa 204 tangke ang napunta sa Oriental Mindoro Provincial Hospital, 40 sa Oriental Mindoro Central District Hospital, 22 sa Oriental Mindoro South District Hospital, 20 sa Pinamalayan Doctors Hospital, 12 sa R. Umali Hospital, at mayroon ding mga ipinamahagi sa mga rural health unit.

Pero ayon kay Oriental Mindoro Provincial Hospital chief Dr. Dante Nuestro, kulang pa rin ang mga dumating na supply.

"'Yong mga na-refill ng DOH, andito na, pero good for 2 days lang," ani Nuestro.

Inaasahang darating ngayong linggo ang 1,000 pang medical oxygen tank na binili ng provincial government.

Sa huling tala, umabot na sa 892 ang active COVID-19 cases sa Oriental Mindoro, pinakamarami ang sa Calapan City na nasa 291.

Magugunitang naglaan na ang Batangas Port ng special lane para sa mga maghahatid ng oxygen tanks sa iba-ibang probinsiya, kasama ang Oriental Mindoro.

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.