Lalaking nagnakaw ng bag, nahulihan pa ng droga sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2020 09:55 PM

Arestado ang isang lalaki matapos magnakaw at mahulihan ng ilegal na droga sa Makati City, sabi ngayong Linggo ng Southern Police District (SPD).

Sa ulat ng SPD, lumapit sa pulis ang isang lalaking nagsumbong na ninakawan siya ng bag na may mga lamang cellphone at iba pang gamit.

Pinuntahan umano ng mga awtoridad sa Edsa-Guadalupe ang 42 anyos na suspek, na nakuhanan din ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na halos isang gramo.

Nakuha din sa suspek ang ilang mga pinaniniwalaang nakaw na gamit kabilang ang 3 cellphone, isang relo, wallet at eyeglasses.

Nakadetene sa sub-station ng Makati City Police Station ang suspek na nahaharap sa kasong theft at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. 

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.