Hinihinalang miyembro ng NPA, nakatakas mula sa bilangguan sa Northern Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2019 09:30 PM

File photo ni Aljon Cardenas.

Nakatakas ang isang hinihinalang miyembro ng rebeldeng grupong New People's Army (NPA) mula sa isang piitan sa Northern Samar nitong Huwebes.

Kinilala ang nakatakas na si Aljon Cardenas. Ayon sa pulisya, tumakas si Cardenas mula sa Allen Sub-Provincial Jail gabi ng araw na iyon.

Nahuli si Cardenas noong Marso matapos makibahagi umano sa isang pag-atake sa isang istasyon ng pulis sa probinsya.

Nahaharap sa kasong frustrated murder at illegal possession of firearms si Cardenas.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek.