Elevated walkway sa EDSA binubusisi na ng NEDA

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2019 11:24 AM | Updated as of Oct 18 2019 01:20 PM

MAYNILA - Nagumpisa na ang review ng National Economic and Development Authority sa posibilidad na magkaroon ng elevated walkway at bike lane sa EDSA.

Sa impormasyong galing kay Benny Reinoso, undersecretary for planning ng Department of Transportation, under technical evaluation na ng NEDA ang elevated pathways.

Una nang inanunsiyo ng Asian Development Bank (ADB) na magpapautang ito ng $100-milyon o katumbas ng P5-bilyon sa gubyerno ngayong taon para umusad na ang proyekto.

Kumpiyansa si ADB Transport Specialist Shuji Kimura na maaprubahan ng Manila-based lenders board ang loan sa first quarter ng 2020.

Sakaling maaprubahan, magsisimula na ang konstruksiyon sa katapusan ng 2020 at maaari nang magamit ang bahagi nito sa 2021 at makukumpleto sa 2022.

Target itayo ang walkway malapit sa LRT at MRT stations sa Taft, Pasay, Guadalupe, Makati, Cubao at Balintawak sa Quezon City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.