#WalangTubig: Ilang lugar sa QC, apektado ng water interruption

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2018 06:08 PM

Isang babae ang gumagamit ng hose para maglinis ng sahig sa isang palengke. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Pitong barangay sa Quezon City ang pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig sa susunod na linggo dahil sa network improvement works, sabi ng Manila Water nitong Huwebes.

Ayon sa Manila Water, ipatutupad ang water service interruption simula alas-6 ng gabi ng Lunes, Oktubre 22, hanggang alas-8 ng umaga ng Martes, Oktubre 23, sa mga sumusunod na barangay:

• Old Balara
• Pasong Tamo
• Culiat
• Holy Spirit
• New Era
• Tandang Sora
• Sauyo

Bunsod ito ng pagsasagawa ng network improvement work sa ilang bahagi ng Commonwealth Avenue, Luzon Avenue at Tandang Sora Avenue, sabi ng water concessionaire.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.