Umano'y lider ng crime group, patay sa pamamaril

Kevin Joseph Dinglasan, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2018 05:50 PM

Patay ang umano'y lider ng isang crime group sa pamamaril sa bayan ng Calaca, Batangas, Huwebes. Mugshot mula sa Calaca Police

CALACA, Batangas - Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa national highway sakop ng Barangay Puting Bato East sa nasabing bayan, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Leodegario Alvarez, na ayon sa validation ng Batangas Police ay lider ng Alvarez crime group.

Sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo patungo sa direksyon ng Balayan nang paputukan ng hindi pa nakikilalang salarin.

Patuloy pang iniimbestigahan ng awtoridad ang pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.