'Tulak' ng droga, patay sa buy-bust sa Bulacan

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2018 08:45 AM | Updated as of Oct 18 2018 08:57 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Dead on arrival sa ospital ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa San Jose del Monte, Bulacan, Huwebes ng madaling-araw.

Batay sa paunang ulat ng pulisya, nakabili ang mga operatiba ng P500 na halaga ng hinihinalang shabu mula sa target na si alyas Jay-Ar.

Pero sa kalagitnaan ng operasyon, natunugan umano ng suspek na mga pulis ang ka-transaksyon, dahilan para bumunot siya ng baril at paputukan ang mga ito.

Gumanti naman ang mga pulis at natamaan si Jar-Ar. Naisugod pa siya sa ospital, pero binawian din ng buhay.

Narekober sa lugar ang isang kalibre .45 na baril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.