Presyo ng gulay sa Commonwealth Market, bumaba; manok, tumaas

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2018 12:09 PM | Updated as of Oct 18 2018 12:28 PM

Watch more in iWantTFC

Bumaba ang presyo ng gulay sa palengke ng Commonwealth sa Quezon City nitong Huwebes habang tumaas naman ang presyo ng manok, base sa pag-iikot ng ABS-CBN News sa naturang pamilihan. 

Mula P60, nasa P40 kada kilo na ang presyo ng calamansi at talong. 

Tumaas naman ang presyo ng patatas, na ngayo'y P70 kada kilo na mula P50. Tumaas naman sa P300 mula P180 pesos ang presyo kada kilo ng bell pepper. 

Mula naman sa P120 kada kilo, bumaba ang presyo ng carrots sa P80 kada kilo. 

Nabawasan na rin ang presyo ng siling labuyo na mula sa P1,000 kada kilo, nasa P600 na ngayon. Mas marami na ring nabibiling tingi na sili kung saan makakakuha na ng 11 hanggang 12 piraso mula sa P10 piso, kumpara sa 7 na ibinibigay noon sa parehong presyo. 

Kalahati naman ang bawas-presyo ng repolyo, na P80 kada kilo ngayon kumpara sa P160 dati. Nasa P30 kada kilo naman mula P60 ang kamatis, habang nasa P60 kada kilo mula P120 kada kilo na lang ngayon ang presyo ng sayote.

Bumaba rin ang presyo ng siling pangsigang na ngayo'y P120 na mula sa dating P160 kada kilo. 

PRESYO NG GULAY SA COMMONWEALTH 

• Repolyo→P80/kilo 
• Talong→P40/kilo 
• Calamansi→P40/kilo
• Kalabasa→P20/kilo
• Bawang→P60/kilo (P20 kada 1/4) 
• Sibuyas→P60/kilo (P20 kada 1/4) 
• Patatas→P70/kilo
• Carrots→P80/kilo 
• Siling Labuyo→P600/kilo (P10 kada 11-12 piraso)
• Bell pepper→P180/kilo
• Siling pangsigang→P120/kilo
• Baguio Beans→P180/kilo
• Sayote→P60/kilo 

Nasa P160 kada kilo naman ang manok, na mas mahal kumpara sa P135 hanggang P145 kada kilong presyo sa Kamuning at Balintawak Market. 

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.