P11 milyong halaga ng droga, nasamsam sa Bohol

Carine Asutilla, ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2018 12:59 AM

TAGBILARAN CITY - Nakompiska ng mga awtoridad ang aabot sa P11 milyon na halaga ng ilegal na droga sa isang operasyon sa Barangay Mansasa sa lungsod na ito Miyerkoles ng gabi.

Nasa 36 large packs at 7 medium-seized packs ang hinihinalang shabu. May timbang ito na 936 gramo at nagkakahalagang P11,033,000.

Nakompiska rin ang ilang mga ginagamit sa pagbebenta ng shabu.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.